-- Advertisements --

Patay ang siyam na turista matapos nag matabunan ng mga malalaking tipak ng bato ang kanilang sasakyan sa northern India.

Nahulog mula sa bundok ng Himachal Pradesh ang mga malalaking bato na tumama pa sa mga tulay.

Tinawag ni Himachal Pradesh chief minister Jairam Thakur ang insidente bilang “heart-wrenching”.

Nagpaaboto naman ng pakikiramay si Indian Prime Minister Narendra Modi at tiniyak ang tulong pinansiyal sa mga biktima.

Isa sa dahilan ng pagkahulog ng mga bato ay dahil sa walang tigil na pag-ulan.