-- Advertisements --

Patay ang nasa 9 na katao matapos na bumangga ang sinakyan nilang van sa isang truck sa Southern Brazil.

Pito sa mga biktima ay mga kabataan na miyembro ng rowing team mula sa Pelotas, Rio Grande doSul.

Galing lamang sa kumpetisyon ang mga biktima sa Sao Paulo ng mangyari ang insidente sa Guaratuba, Parana state.

Ayon sa mga otoridad na mayroong 10 katao ang sakay ng van kung saan isang 17-anyos na rower ang nakaligtas habang ang 30-anyos na driver ng truck ay nagtamo ng minor injuries.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad na nawalan ng preno ang truck kaya ito bumangga sa likod ng van.

Nanguna naman si President Luiz Inacio Lula da Silva sa mga nagpaabot ng pakikiramay sa mga nasawing biktima.