(Update) NAGA CITY – Umakayt na sa siyam katao ang patay habang apat naman sugatan sa banggaan ng pampasaherong bus at van sa Barangay San Vicente, Pamplona, Camarines Sur.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), nabatid na patungong lungsod ng Naga ang van (EVU 222) na minamaneho ni Armani Calpe habang patungo namang Manila ang bus (EVP 129) na minamaneho rin ni Leonardo Camu.
Ngunit pagdating sa naturang lugar, aksidenteng nagsalpukan ang dalawang sasakyan na naging dahilan para bawian ng buhay ang mga biktima habang apat naman ang sugatan na pawang mga pasahero ng van.
Ilang sa mga sugatan ay dinalasa Bicol Medical Center sa Naga City.
Samantala, nitong umaga lamang sumuko na rin ang driver ng bus sa Libmanan-PNP.
Habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang pangyayari.