-- Advertisements --
Nasa siyam katao ang nasawi matapos ang pagsabog ng car bomb sa Mogadishu, Somalia.
Naganap ang insidente sa labas ng coffee shop kung saan marami ang nanonood ng football final ng Euro 2024 sa pagitan ng Spain at England.
Umabot naman sa 20 katao ang sugatan na itinakbo ang mga ito sa pagamutan.
Maraming mga sasakyan na katabi ng sumabog na kotse ang nadamay maging ang ilang mga gusali.
Inako naman ng Jihadist group na Al-Shabab ang nasabing pag-atake.