Nasa 11 katao na ang patay dahil sa pananalasa ng bagyong Ida sa New York at New Jersey.
Ayon sa New York Police Department na isa sa biktima ay 86-anyos na babae na naninirahan sa Corona, Queen na natagpuan sa basement ng kaniyang anak na lalaki.
Habang ang pitong biktima ay nasawi sa iba’t-ibang bahagi ng New York City.
Sinabi naman ni Passaic, New Jersey Mayor Hector Lora na nakita ang isang matandang babae na nasa edad 70 ang natagpuan sa baha.
Nagkansela naman ng flights ang maraming airline companies sa sa Newark, LaGuardia at JFK airports.
Isinara na rin ang sikat na subway stations sa New York.
Idineklara ng New York Governor Kathy Hochul ang state of emergency dahil sa pagbaha.
Mahigit 100,000 kabahayan naman ang wala pang suplay ng kuryente sa New York, New Jersey at Connecticut.