-- Advertisements --
Patay ang siyam na palestinians sa ginanap na raid ng mga Israeli military sa West Bank.
Kabilang sa nasawi ang 61-anyos na babae sa bayan ng Jenin.
Itinuturing na ito na ang pinakamatinding labanan ng dalawang grupo ngayong taon.
Paliwanag ng mga sundalo ng Israel na nagtungo lamang sila sa lugar para arestuhin ang mga Jihad militants dahil sa plano nilang magsagawa ng malawakang pag-atake.
Inakusahan ng Palestiniana government ang Israel ng pag-masaker sa mga inosenteng sibilyan.
Naging matindi ang tensiyon sa West Bank ang lugar na sinakop na ng Israel kung saan patuloy ang paglaban ng mga sundalo ng Israel laban sa mga terorista sa lugar.