-- Advertisements --

Nasa siyam na katao ang nasawi sa pagbagsak ng cargo plane sa Siberia.

Ayon sa Russian federal aviation agency na Rosaviatsiya na ang Antonov An-12 plane ay ino-operate ng Belarussian company na Grodno.

Nagpaikot-ikot umano ito bago nawala sa radar at bumagsak sa lungsod ng Irkutsk, Siberia.

Walang nakaligtas sa nasabing pagbagsak matapos masawi ang lahat ng mga lulan nito.

Binubuo ito ng tatlong Belarussians crew, dalawang Russians at dalawang Ukrainians at dalawa pang pasahero na hindi pa binanggit ang nationality.