-- Advertisements --

Walang nakaligtas sa pagbagsak ng eroplano sa Bangkok, Thailand.

Mayroong siyam na pasahero ang lulan ng eroplano na kinabibilangan ng dalawang Thai pilots, limang Chinese at dalawang Thai na pasahero.

Ang Cessna Caravan C208B turboprop ay galing sa main international airport ng Bangkok at patungo sana sa Trat province.

Matapos ang 10 minuto mula ng sila ay lumipad ay nawalan na ng contacts ang mga otoridad.

Kinumpirma ng Soneva Kiri isang luxury resort na matatagpuan sa Koh Kood island na empleyado nila ang dalawang pasahero at pawang mga guest ng resort ang sakay na mga Chinese nationals.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad ukol sa nasabing insidente.