-- Advertisements --

Nasa siyam katao ang patay at marami ang pinaninwalaang naipit sa sunog na naganap sa hydro-electric power plant sa Telangana, India.

Natagpuan ng mga rescuers ang tatlong katawan ng patay na biktima habang pinipilit pang iligtas ng mga otoridad ang ibang mga biktima na underground ng Srisailam plant.

Nahirapan ang mga rescuers na isagawa ang pagligtas sa mga biktima dahil sa makapal na usok.

Inaalam pang mabuti ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing insidente.