-- Advertisements --

Siyam na katao ang patay matapos sumabog ang isang oxygen ventilator sa loob ng isang ospital na gumagamot sa mga coronavirus patients sa Turkey.

Ayon sa local governor’s office, dahil sa pagsabog ay nasunog ang intensive care unit ng pribadong Sanko University Hospital sa Gaziantep.

Isa naman sa mga pasyente ang binawian ng buhay habang inililipat sa ibang pagamutan.

Sa pahayag naman ng ospital, ang mga biktima ay nasa pagitan ng mga edad 56 hanggang 85.

Nagpapatuloy na sa ngayon ang imbestigasyon upang malaman ang sanhi ng insidente. (BBC)