-- Advertisements --

Patay ang nasa siyam na katao matapos ang inilunsad ma missile strike ng Russia sa Ukraine.

Ayon sa prosecutor general’s office ng Ukraine na kabilang sa limang bata ang nasugatan ng tumama sa gusali ang missile sa Kryvyi Rih City ng Ukraine.

Hinahalughog pa ng mga otoridad ang lugar para makita ng ilang mga posibleng biktima.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa mga kaanak ng biktima.

Ang nasabing lugar kasi ay matatagpuan ang tirahan ng pangulo ng Ukraine.