-- Advertisements --
Nova scotia canada suspect
51-year-old suspect Gabriel Wortman in Nova Scotia shooting. (photo fromRoyal Canadian Mounted Police)

(Update) Umakyat na sa 16 katao ang patay matapos ang naganap na pamamaril sa Nova Scotia sa Canada.

Una nang sinabi ni Royal Canadian Mounted Police (RCMP) Chief Superintendent Chris Leather, pagdating nila sa lugar matapos na makatanggap ng tawag ay nakita nila ang patay na biktima sa labas at loob ng kanilang bahay.

Ilang oras din ang isinagawang paghabol at paghanap sa suspek at nang makita ay nanlaban daw kaya kanila itong pinaputukan.

Kinilala ang suspek na si Gabriel Wortman, 51, kung saan inaalam pa nila ang motibo ng suspek.

Kabilang din sa namatay ay isang policewoman.

Ito na ang itinuturing na “deadliest attack” sa kanilang bansa.

Nova Scotia