-- Advertisements --
Nasa 9 katao ang patay matapos ang nangyaring pamamaril sa isang video arcade sa Mexico.
Kabilang sa nasawi ang apat na menor-de-edad sa Uruapan, Michoacan, Mexico.
Sa inisyal na imbestigasyon, pumasok ang apat na suspek at tinanong ang ilang mga parokyano doon bago walang habas na namaril.
Isa sa tinututukan ng mga otoridad ay mga miyembro ng isang drug cartel ang mga suspek.