Halos 10 katao ang iniwang patay ng mass shooting sa Dayton City sa estado ng Ohio sa Amerika.
Batay sa impormasyon, sumiklab ang insidente sa labas ng sikat na bar sa Oregon district ng nasabing lungsod.
Ito’y ilang oras lamang matapos ang unang mass shooting sa isang mall sa El Paso, Texas, kung saan 20 ang namatay.
Maliban sa mga nasawi sa panibagong pamamaril sa Amerika, 16 naman ang nagtamo ng injury.
Kaugnay nito, kinumpirma ng Ohio police na kanilang napatay sa crime scene ang suspek.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Matt Carper, ang Oregon ay “very safe part of downtown” kaya kadalasang dinadayo ng mga turista.
“We had one shooter that we are aware of and multiple victims. The shooter is deceased, from gunshot wounds from the responding officers,” dagdag nito. (BBC/CNA; CNN photo)