-- Advertisements --

Patay ang siyam na katao at marami ang nasugatan sa nangyaring siksikan sa isang konsiyerto sa Democratic Republic of Congo.

Naganap ang insidente sa konsiyerto ng gospel singer at pastor na si Mike Kalambay sa loob ng 80,000-seater na Martyr Stadium sa Kinshasa.

Sinasabing labis na nagsiksikan ang mga tao kung saan hindi na nakahinga ang iba.

Kabilang sa nasawi ang 10-anyos na bata.

Sinabi ni Kinshasa governor Daniel Bumba na ang labis na pagsiksikan ang siyang sanhi ng nasabing kamatayan ng mga biktima.

Itinanggi naman ng organizers ang paratang at sinabing aabot lamang sa 30,000 ang mga katao na nanood.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad sa nangyaring insidente.