-- Advertisements --

ROXAS CITY – Umabot na sa siyam ang kumpirmadong patay sa inilunsad na simultaneous serving search warrant operation ng mga kasapi ng Philippine Army at Philippine National Police Regional Office sa pangunguna ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Tapaz, Capiz at Calinog, Iloilo.

Ito ang kinumpirma ni Lt. Col. Gervacio Balmaceda Jr., regional chief ng CIDG sa isinagawang press conference ng Police Regional Office-6.

tapaz capiz pnp

Ayon kay Balmaceda nasa pito ang mga naaresto sa Calinog, Iloilo; tatlo sa Barangay Masaroy at apat naman sa Barangay Garangan.

Umabot naman sa 10 mga indibidwal ang naaresto na kinabibilangan ng isa sa Brgy. Lahug, dalawa sa Brgy. Tacayan, apat sa Brgy. Roosevelt at isa naman sa Brgy. Acuña, Aglinab at Nayawan bayan ng Tapaz, Capiz.

Samantala, umabot naman sa siyam ang kumpirmadong patay sa police operation matapos umanong manlaban sa mga otoridad ang mga suspek kung saan tatlo sa Brgy. Lahug, tig-isa naman sa mga Brgy. Tacayan, Aglinab, Acuña, Daan Sur at dalawa sa Nayawan.

Dagdag pa ni Balmaceda, nagsanib pwersa ang mga otoridad upang isagawa ang naturang mga operasyon.