-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang siyam na mga Filipino crews sakay ng Patricia Oldendorff, isang Liberian flag bulk carrier nang sila’y dadaong na sa Port Hedland sa Australia.
Ayon kay Bombo International Correspondent Denmark Suede direkta sa Sydney, Australia, lulan umano sa nasabing barko ang 20 mga Filipino crew.
Ani Suede, bago pa man pumunta sa Australia ang barko, dumaong muna ito sa Korea at Manila upang magpalit ng mga crew.
Ngunit hindi pa aniya malaman kung saan nakuha ng siyam na mga Filipino crew ang virus.
Sa ngayon, ang mga crew ang naka-isolate na sa hotel sa Port Hedland.