BUTUAN CITY- Patuloy pa ang pag-verify ng Department of Health (DOH) Caraga sa na-monitor nilang 9 na mga probable variant cases ng COVID-19 sa Surigao del Norte.
Ayon kang Provincial Health Officer Dr. Arlene Felizarta, hindi pa nila masasabi kung nakapasok na ang bagong variant ng COVID-19 sa Surigao del Norte kung kaya’t ang nasabing mga samples ay ipinadala na sa Philippine Genome Center sa Maynila upang ma-examine.
Nabatid na sa apat sa mga ito ay galing sa bayan ng General Luna, tatlo sa Dapa, at tig-iisa naman sa Gigaquit at Malimono.
Umaasa naman ang probinsyal na pamahalaan na magnenagatibo sa bagong variant ang mga ito.
Matatandaan nitong nakaraan araw ay anim na mga indibidwal na mula sa Luzon ang nahuli matapos pumuslit sa probinsya gamit ang pekeng RT-PCT negative result.
Pursigido naman ang probinsyal na pamahalaan ng Surigao del Norte na kasuhan ang nasabing mga indibidwal.