CENTRAL MINDANAO- Pinaigting pa ng lokal na pamahalaan sa bayan ng Balabagan Lanao Del Sur ang pagbabantay sa mga entry points kontra Coronavirus Disease (Covid 19).
Ito ang kinumpirma ni Balabagan Mayor Edna Ogka Benito.
Sinabi nito na 24/7 nagbabantay sa mga Covid 19 checkpoints ang tropa ng Philippine Marines, pulisya, mga kawani ng Municipal Health Office ng Balabagan at ibang mga Frontliners.
Sinabi ni Mayor Benito na siyam katao ang naitalang mga Person Under Investigation (PUI-Suspect) ngunit gumaling na ito at negatibo sa nakakahawang sakit kung saan patuloy rin ang pagbaba ng bilang nga mga Person Under Monitoring (PUM).
Mahigpit rin na pinatutupad sa Balabagan Lanao Del Sur ang paggamit ng Facemask,pagpapatupad ng social distancing,paghuhugas ng kamay at ibang mga alituntunin na umiiral sa dineklarang Public Health Emergency ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bansa.
Sa ngayon ay nanatiling Covid 19 free ang bayan ng Balabagan Lanao Del Sur.
Samantala,sa darating na araw ng Sabado ipamamahagi ang Social Amelioration Program (SAP) sa bayan ng balabagan.
Mahigit 500 benepisyaryo lamang ang pumasa sa pagsusuri ng DSWD at mabibigyan ng SAP cash assistance sa pinakamahirap na pamilya.
Nilinaw ni Mayor Benito na hindi na kasali sa SAP cash aid ang mga miyembro ng 4Ps at UCT.
Sa mga hindi pumasa sa SAP cash assistance ay mabibigyan ng ayuda ng lokal na pamahalaan ng Balabagan Lanao Del Sur.