-- Advertisements --

Tatlong araw humarap ang siyam na pulis na sangkot sa madugong Jolo shooting incident sa National Bureau of Investigation (NBI).


Ayon kay PNP Chief Gen. Archie Francisco Gamboa, simula nuong Lunes hanggang ngayong araw Miyerkules haharap sa NBI probe team ang mga ito.

Una ng ibinyahe mula Jolo,Sulu patungong Metro Manila nuong July 7 ang mga sangkot na pulis para maibsan ang tensiyon sa lugar at para matiyak ang availability ng mga ito sa nagpapatuloy na imbestigasyon.

Sa ngayon, nananatili pa sa Kampo Crame ang kustodiya ng siyam na pulis.

Una ng inamin ni Gamboa na apat sa siyam na police ang nagpaputok ng kanilang mga armas.

Kinumpirma naman ng DOJ na ang mga nakuhang slugs sa crime scene ay nag match sa armas ng mga pulis.

Nakatakda na rin sampahan ng kaso ng NBI ang mga sangkot na pulis.

Sa ngayon kapwa hinihintay ng AFP at PNP ang resulta ng imbestigasyon ng NBI.