-- Advertisements --

Wala na sa kustodiya ng Philippine National Police (PNP) ang siyam na pulis na siyang responsable sa pagpatay sa apat na Army officers sa pangunguna ni Major Marvin Indammog.

Ito’y matapos sinibak na sa serbisyo ang mga nasabing pulis.

Ayon kay Sinas, tinurn-over na ang siyam na pulis sa kanilang mga kamag-anak, dahil sila ay sibilyan na at wala pa ring warrant of arrest na inilabas ang Korte laban sa siyam na pulis na nahaharap ngayon sa kasong murder at planting of evidence.

Dahil sibak na sa serbisyo ang 9 na pulis, wala nang hurisdiksyon sa kanila ang PNP.

Hindi naman kasi nila ito pwedeng i-hold dahil pwede silang mapanagot ng arbitrary detention.

Ayon kay PNP Chief last week pa nakalabas ng Camp Crame ang mga ito.

Matatandaan na nagsasagawa lang ng intelligence at monitoring operations ang apat na sundalo sa Jolo noong Hunyo ng nakaraang taon dahil sa presensya ng 2 hinihinalang suicide bombers nang sila ay napatay ng mga pulis.