Nananatili pa rin sa kustodiya ng PNP sa Kampo Crame ang siyam na pulis na sangkot sa Jolo fatal shooting incident na ikinamatay ng apat na sundalo sa pangunguna ni Maj. Marvin Indammog.
Ito ay sa kabila ng dismissal from the service ang ipinataw sa kanila ng PNP.
Ayon kay PNP chief Gen Debold Sinas, tinatapos lang nila ang 10 araw na palugit matapos niyang lagdaan ang rekomendasyon ng PNP IAS.
Sinabi ni Sinas na sa oras na maging epektibo na ang kanilang dismissal sa serbisyo ay wala nang makukuhang benepisyo ang mga ito.
Ang tanging makukuha nila ay ang kanilang mga unused leaves kung mayroon pang natitira at ito na lamang ang babayaran sa kanila ng PNP.
Naunang inihayag ng pamunuan ng PNP na sa oras na walang mailabas na warrant of arrest laban sa siyam na pulis mula sa korte ay ituturn-over na sila sa kanilang pamilya.
Dahil hindi na pulis ang mga ito kundi civilian na ang kanilang status.
Ang mga nasabing pulis ay sina:
Senior M/Sgt. Abdelzhimar Padjiri;
M/Sgt. Hanie Baddiri;
S/Sgt. Iskandar Susulan;
S/Sgt. Ernisar Sappal;
Cpl. Sulki Andaki;
Pat. Mohammed Nur Pasani;
S/Sgt. Almudzrin Hadjaruddin;
Pat. Alkajal Mandangan;
at Pat Rajiv Putalan.