Mayroong siyam na simbahan at kapilya sa tanyag na Intramuros sa lungsod ng Maynila ang bubuksan na para sa mananampalataya na magsasagawa ng tradisyunal na Visita Iglesia.
Ayon sa Intramuros Administration (IA) at Department of Tourism (DOT) ang siyam na prayer grounds ay magiging bukas sa mga pilgrims at bisita mula Maundy Thursday sa Abril 18 hanggang Black Saturday April 20.
Ang mga ito ay ang Manila Cathedral, San Agustin Parish Church, Fr. Willman chapel sa Knights of Columbus Building, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila chapel, Mapua University chapel, Lyceum of the Philippines University chapel, Colegio de San Juan de Letran chapel, St. Matthew’s chapel sa Bureau of Internal Revenue building at Guadalupe Shrine sa Fort Santiago.
Maglalagay naman ng Stations of the Cross sa General Luna Street, mula Beaterio hanggang Muralla Street sa Abril 18 hanggang 20.
Ang nasabing bilang na bukas na simbahan at chapel ay mas marami ngayong taon dahil noong nakaraang taon ay pito lamang ang mga ito.
Para naman sa mga pilgrims magiging madali na ang Visita Iglesia dahil nasa iisang lugar na lamang ito.