-- Advertisements --

Siyam ang sugatan matapos magbanggan ang isang bus, elf truck, at motor sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Sariaya, Quezon province kamakailan lang.

Ayon sa mga otoridad, nahagip ng pampublikong bus ang isang elf dropside truck sa Barangay Isabang sa Tayabas City.

Bukod diyan, ay nagulongan rin ang isang motorsiklo na minamaneho ng isang Raymund, 35 taong gulang.

Anim ang naging sugatan sa elf truck samantalang dalawang pasahero naman ang sugatan sa bus.

Agad namang idinala sa magkaibang ospital ang mga biktima at ngayo’y nagpapatuloy na nagpapagaling bunsod ng nangyaring disgrasya.