-- Advertisements --
Umabot sa siyam katao ang nasugatan nang muling magkasagupaan ang pro-democracy protesters at mga kapulisan sa Hong Kong.
May edad mula 17 hanggang 59-anyos ang mga nasugatan sa ika-10 linggo na ng kilos-protesta.
Ayon sa Hong Kong Information Service Department, nagtamo ng matinding sugat sa katawan ang isang biktima habang ang iba ay nakalabas na sa pagamutan.
Gumamit muli ng tear gas ang mga kapulisan para maitaboy palayo ang mga protesters na nagtitipon-tipon sa Victoria Park.
Nagtayo rin ang mga protesters ng barikada sa Hennessy Road na nagdulot ng trapiko sa lugar kung saan naghahagis din ang mga ito ng petrol bombs.