-- Advertisements --

Sugatan ang siyam na katao sa naganap na malaking sunog sa Pasay City.

Kinilala ang mga ito na sina Samuel Caducoy, 40, Jenelyn Costan, 28, Mary Jane Roxas, 40, Maria Therese Labor, 58, Edgardo Rivera, 61, Santo Martin, 60, Sheila Dakigan, 27, Jovelyn Roxas, 15 at Joan Divinagracia, 33 na pawang residente ng Barangay 130.

Umaabot naman sa 60 pamilya ang nawalan ng bahay dahi sa malaking sunog sa lugar.

Nagsimula ang sunog pasado 2:00 p.m. at naapula ito ng mahigit tatlong oras.