-- Advertisements --

DIPOLOG CITY – Nag-negatibo sa isinagawang Reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) Test ang siyam na specimen sample na ipinadala ng probinsIya sa Zambaonga City Medical Center.

Ito ang inanunsiyo ni Dr. Esmeralda Nadela, Acting Provincial Health Officer ng Zamboanga del Norte at vice Chairman ng taskforce kahapon matapos matanggap ang naturang balita.

Napag-alamang ang mga naturang sample ay mula sa mga indibidwal na may direct contact kay patient 1 na naunang nag-positibo sa virus nang isinailalim sa swab test sa Maynila noong May 2, 2020.

Ito ay kinabibilangan ng mga kaibigan ng pasyente at mga personaidad ng ospital sa lugar na umasikaso dito bago ito dinala sa Maynila.

Kasabay ng anunsyon ito ay inalis na ang mga barangay checkpoints sa Minaog at Sicayab simula alas-4:00 kahapon ng hapon.

Gayunman, hindi pa rin umano dapat magpakampante dahil mayroon pang hinihintay na resulta mula sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) sa Davao City mula naman sa iba pang indibidwal na nakasalamuha ng nasabing pasyente.

Nabatid na umabot nga ng mahigit dalawang linggo bago lumabas ang resulta ng RT-PCR test dahil na hold umano ang mga samples sa Zamboanga City matapos magkaroon ng ilang aberya.