-- Advertisements --

TACLOBAN CITY — Patay na ng matagpuan ang isang bata matapos na gahasain sa Carigara, Leyte.

Nakilala ang biktima sa pangalan na “Jonalyn”, 9 taong gulang, residente ng Brgy.Guindapunan West, Carigara, Leyte.

Ayon sa ina ng biktima na gabi noong Hunyo 24 nang utusan ito ng kanyang pinsan na dalhin ang anak nito pauwi sa kanilang bahay at hindi na nakabalik ang biktima.

Matapos ang dalawang araw ay natagpuang wala ng buhay ang biktima sa tabi ng dagat.

Agad namang nagsagawa ng imbestigasyon ang mga kapulisan at napag-alaman na kainuman lang ng kanyang pinsan ang suspek sa naturang krimen.

Nakumpirma naman na nagahasa ang biktima dahil mismo sa pag amin ng suspek na nakilala kay Jomar Canete Pacites, nasa wastong gulang.

Sa ngayon ay nakakulong na sa Cariga Lock up facility ang naturang suspek.