-- Advertisements --

GENERAL SANTOS – Comatose ngayon sa Intensive Care Unit sa Dr. Jorge P. Royeca Hospital nitong lungsod ang isang 9-years old na bata matapos na binugbog ng sarili nitong ama.

Kuwento ng lola ng bata si Elvira Tubilid na kaarawan ng suspek na si Roy Canlaon Jr, 34 taong gulang, isang panday nang mangyari ang pambubugbog sa kanyang apo ngunit wala sila noong nangyari ito.

Aniya, lasing ang suspek at nagalit nang hindi sinunod ng anak sa iniutos nito kayat kanyang paulit-ulit na sinaktan gamit ang kamay at saka ihambalos sa kanilang bahay sa Barangay Fatima Gensan.

Ayon sa mga nakakita ng pangyayari ay panay umano ang paghingi ng ‘sorry’ ng bata habang niyayakap ang kanyang ama at nakapagsabi pa ng salitang ‘I love you’ bago pa ito mawalan ng malay.

Emosyunal ang lola sa pagsasabing dapat pagdusahan ng suspek ang ginawa sa kanyang apo kung saan nagtamo ng maraming sugat sa mukha at nabali rin ang balikat nito.

Sa ngayon ay nakakulong ang suspek Fatima Police Station at nahaharap na sa kaso.