-- Advertisements --
Screenshot 2019 07 04 14 56 19
Interior and Local Government Secretary Eduardo Año

Binigyan ng 90 days period ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng local government units (LGUs) para magsumite ng structural assessment ng mga gusali at istruktura sa kanilang mga areas of responsibility.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año layon nito para sa gagawing paghahanda sa posibleng malakas na pagyanig na tumama sa bansa o ‘the big one’. Ayon kay Año, maraming tao ang maaaring mailigtas kung tama lamang ang paghahanda na gagawin.

Nilinaw naman ng kalihim na sakaling ‘di makapagsumite ang mga LGU ng structural assessment di naman sila paparusahan.

Pero hindi aniya ito nangangahulugan na walang pananagutan ang local chief executives dahil kung magtamo ng matinding pinsala o marami ang masawi ay posible silang maharap sa kasong administratibo o kriminal.

Posible pa rin maharap sa dismissal o pagbawalang humawak ng posisyon sa gobyerno ang local chief executives na mapatutunayan na nagkaroon ng kapabayaan sa kanyang tungkulin.