-- Advertisements --

Ini-evaluate na rin umano ng tanggapan ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang sinasabing partisipasyon ng mga job contractors sa pangingikil sa mga Korean nationals ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI).

Una rito, nag-isyu na si Guevarra ng order para suspendehin ng 90 araw ang mga sankgot na BI officers at employees na inakuasahang nangikil ng P9.2M mula sa mga Korean nationals.

Kasunod na rin ito ng pagbusisi ni Guevarra sa statements ng mga Korean nationals maging ang kanilang mga documentary evidence mula sa BI.

Inatasan din ng kalihim ang naturang mga empleyado ng BI na magsumite ng kanilang mga sagot sa loob ng 72 oras kapag natanggap na nila ang pormal na reklamo laban sa kanila.

Marso 6 ngayong taon nang harangin ng BI officers ang 15 Korean nationals saka umano kinikilan.