-- Advertisements --

Isa sa pinakamalubhang napinsala ang Mayfield, Kentucky kabilang ang isang candle factory sa pagtama ng deadly tornado outbreak.

Nasa mahigit 100 manggagawa ang nasa loob ng factory ng tumama ang buhawi at 40 sa kanila ang nauna ng na-rescue.

Ayon sa tagapagsalita ng naturang factory, walong katao ang nakumpirmang namatay habang walo pa ang kasalukuyang pinaghahanap.

Natagpuan naman na ang nasa 90 factory workers.

Nauna ng sinabi ni Kentucky Governor Andy Beshear na maaaring tumaas pa sa mahigit 100 ang tinatayang casualty habang nagpapatuloy pa ang rescue operations.

Maliban sa Kentucky, nagpapatuloy din ang paghahanap pa sa mga survivors sa ibang estado ng Amerika kabilang ang Arkansas, Illinois, Mississippi, Missouri at Tennessee.