-- Advertisements --

Ibibigay ng Canada ang permanenteng paninirahan sa higit sa 90,000 mga dayuhang mag-aaral at manggagawa na tumulong sa paggamot sa mga pasyente sa panahon ng pandemya.

Ayon sa immigration minister, epektibo ang nasabing programa sa Mayo 6 para sa mga manggagawa na nagtatrabaho ng hindi bababa sa one year work experience sa health care at mga essential workers gaya ng grocery store cashiers at shelf stockers; truck drivers; at farm workers na gradwado at nakakompleto sa post-secondary degree sa loob ng apat na taon.

Umaasa si Immigration Minister Marco Mendicino na ang nasabing hakbang ay makakatulong sa Canada na maabot ang target nito na tanggapin ang higit sa 400,000 mga immigrants sa taong ito matapos isinara ang borders sa nakaraang taon dahilan upang bumaba ang bilang ng mga immigrants.

Malaki raw ang maitutulong nito sa mga may temporary status plan para sa kanilang future sa Canada, at makakatulong din ito sa paggaling ng kanilang ekonomiya at muling makabangon sa naranasang pandemya.

Sinabi ni Mendicino, maaaring pansamantala ang naging katayuan ng mga dayuhang ito, ngunit tumatagal ang kanilang kontribusyon kung kaya’y nais nila itong manatili sa kanilang bansa. (with reports from Bombo Jane Buna)