Aabot na ng 90 percent nmga evacuees na nasalanta ng bagyong Ulysses ang nakauwi na sa kani-kanilang mga bahay, ayon kay Marikina Mayor Marcy Teodoro.
Sinabi ng alkalde na mayroong 10,500 na pamilyang inilikas noong Nobyembre 12, sa kasalukuyan ay 1,050 pamilya na lamang ang nananatili sa mga evacuation centers.
Nalinis na rin aniya ng lokal na pamahalaan ng Marikina ang 45 percent ng mga kalat na iniwan ng bagyo. Karamihan daw kasi ng mga kalsada sa nasabing lungsod ay puno ng kalat na may katumbas na mahigit isang taong kalat ng Marikina.
Nasa 500 kabahayan naman na nasira ang inaasikaso na ng lokal na pamahalaan.
Una nang ipinag-utos ni Teodoro ang pagsasagawa ng rapid testing sa mga residenteng apektado ng hagupit ni bagyoong Ulysses sa bawat evacuation centers na kanilang tinutuluyan.
Ginawa ni Teodoro ang hakbang na ito upang bigyang ng importansya ang mga nasa vulnerable stage at mga indibidwal na nagpapakita ng sintomas ng COVID-19.