-- Advertisements --

NAGA CITY – Halos 90% ng lungsod ng Naga ang nawalan ng suplay ng kuryente dahil sa epekto ng bagyong Ambo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Allen Reondanga, chief of Office ng City Events Protocols and Public Information Office (CEPPIO-Naga), sinabi nitong karamihan sa mga lugar sa lungsod ang nawalan ng kuryente ngunit tiniyak naman aniya ng Camarines Sur Electric Cooperative (CASURECO II) na agad na ibabalik sakaling bumalik na sa normal ang panahon.

Ayon kay Reondanga, maliban dito, wala na aniyang naging problema lalo na sa paglikas ng mga residenteng nasa high risk areas.

Sa ngayon, mayroon pang mahigit 2,000 katao na ang nananatili sa mga evacuation centers sa naturang lungsod.