CEBU CITY – Inaresto ang limang barangay officials sa Managase, Tabogon town na nasa norte ng Cebu dahil sa alleged irregularities ng distribusyon ng social amelioration program (SAP) o cash subsidy.
Kinilala ang mga inaresto na sina Captain Santiago Sollano; Councilwoman Ruthlene Ybañez; purok leader at barangay tanod head Nolito Ybañez; barangay health workers Noemi Bontia at Jessa Ursal.
Una nang naglabas ng arrest warrant si Regional Trial Court Branch 81 Judge Glenn Jumao-as dahil sa paglabag umano ng mga nabanggit sa Republic Act 3019, or the Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Ayon kay Staff Sergeant John Paul Armero, ng Tabogon Police Station, sinabi ng isang residente na complainant na ang cash subsidy ay hinati lang nila sa mga opisyales at hindi ito binigay sa mga residente.
Dagdag pa ng complainant, kalahati lamang o P3,000 na cash aid ang binigay sa mga SAP beneficiaries.
Samantala, 14 din na Tubod barangay officials na nasa Barili town, southern Cebu ang sumuko sa mga otoridad.
Kabilang din sa mga naaresto sina Barangay Captain Aurelio Mabano at ang kanyang 7 councilmen na sina Mercy Camonas, Romulo Omalay, Baleriano Mabano, Roy Tangarorang, Loreto Ejambre, Arthur Aranda at Carlo Emnacen.