-- Advertisements --

Pinalaya na rin ang nasa 90 Palestino na nakulong sa mga piitan ng Israel.

Ito ay ilang oras matapos na pakawalan ng Hamas ang 3 bihag na Israelis at ipinasakamay muna sa Red cross sa Gaza city bago itinurn-over sa Israeli military.

Ang pagpapalaya ng mga bihag at preso sa pagitan ng Israel at Hamas ay bahagi ng unang phase ng ceasefire deal na ganap na naging epektibo nitong Linggo, Enero 19.

Makikita sa mga larawan ng mga pinalayang Palestine prisoners ang mahigpit na pagyakap, pananabik at mangiyak-ngiyak sa tuwa sa kanilang pagbabalik sa kani-kanilang mga pamilya.

Samantala, ayon sa Hamas, papalayain ang nasa 30 Palestinian prisoners mula sa mga piitan sa Israel para sa bawat bihag na papakawalan ng Hamas mula sa Gaza.