Nakatakda ng ideliver sa bansa sa loob ng anim na buwan ang 90 Russian made military truck na binili ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nasa P324 million ang halaga.
Ang mga nasabing truck ay gawa ng kumpanyang URAL ng Russian Federation.
Ang Truck Troop Carrier Light project ay inaprubahan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana noong huling bahagi ng nakaraang taon.
Ang kontrata sa pagsuplay ng mga trak ng Russia ay napanalunan ng ConEquip Philippines Inc, sa isang Public bidding.
Ayon kay DND Spokesperson Arsenio Andolong, ang mga bagong trak ay pakikinabangan ng militar sa sa paghahatid ng mga tao at kagamitan sa combat operations at humanitarian Assistance and Disaster Response.
Malaking tulong din sa mga sundalong Army ang mga truck sa kanilang mga operasyon.