-- Advertisements --

Pumanaw na ang buwayang bumida sa sikat na pelikulang ‘Crocodile Dundee’ sa edad na siyamnapu (90).

Ang naturang buwaya ay pinangalanang ‘Burt’ at isa sa mga umagaw ng atensyon sa pelikulang Crocodile Dundee na pinagbidahan nina Linda Kozlowski, at Paul Hogan.

Si Burt ay nahuli noong 1980’s sa Northern Teritory sa Australia at agad siyang naging bahagi ng naturang pelikula na lumabas noong 1986. Ang naturang pelikula ay sinundan pa ng dalawang sequel.

Ayon sa Darwin Aquarium, isang marine sanctuary sa Northern Territory na nagsimula pa noong 1950s, namatay si Burt habang natutulog sa Crocosaurus Cove, isang lugar sa naturang sanctuary kung saan matagal na panahong nanirahan ang sikat na buwaya.

Maliban sa kaniyang role sa sikat na pelikula, napamahal din sa mga tao si Burt dahil sa umano’y kaniyang sychic abilities

Ayon kasi sa Darwin Aquarium, nagawa na niyang i-predict ang ilang local elections sa naturang lugar, kasama na ang resulta ng ilang mga major sporting events.