-- Advertisements --

Pinangangambahan ngayon ng mga Taliban officials na posible umanong magdulot ng panibagong kaguluhan ang pagpapalaya ng Afghan govt sa 900 bilanggo bilang pagtatapos ng Ramadan.

Ginawa ang anunsyong ito kasunod na rin ng napagkasunduang three-day ceasefire.

Ayon sa ilang opisyal ng Taliban, sa ngayon ay kinokonsidera umano nila na i-extend pa ang nasabing cease fire para na rin sa kaligtasan ng mamamayan nito.

Ang mga preso na pinalaya ay mula sa Bagram prison kung saan nananatili ang major military base ng Estados Unidos.

Ang pagpapalayang ito ay parte ng kasunduan sa pagitan ng Amerika at Taliban na nilagdaan noong Pebrero 29 na magbibigay daan sa tuluyang pagkalas ng US at NATO troops mula sa Afghhanistan.