-- Advertisements --
viber image 2023 04 19 15 39 41 288

Nakatanggap ang pamunuan ng Davao Prison and Penal Farm ng aabot sa 900 hatchlings mula sa DavNor KAAGAPAY Free Range Chicken Program.

Ito ay sa ilalim ng programang pang agrikultura ni Governor Edwin Jubahib ng Davao Del Norte.

Kabilang sa mga ipinamahagi ay chicken feed ng Free- Range Chicken Program at tinanggap ito ng mga benepisyaryong Persons Deprived of Liberty ng naturang penal institution.

Ang Davao Prison and Penal Farm ay naging recipient na rin ng ibat-ibang tulong mula sa non-government at government organization at pribadong sektor.

Nagpasalamat naman si DPPF Acting Superintendent CSUPT Rufino A.Martin sa provincial government ng Davao Del Norte dahil sa tulong na kanilang natanggap para sa kanilang PDLs .