-- Advertisements --

Nasa 900,000 participants ang naitala ng pamunuan ng Southern Police District (SPD) as of 9:00 kaninang umaga sa ginaganap na Worldwide walk for poverty ng Iglesia ni Cristo (INC).

Halos 1,000 mga pulis naman ang itinalaga ng pamunuan ng Southern Police District (SPD) para pangalagaan ang seguridad.

Ayon naman kay Manila Police District (MPD) Spokesperson PSupt. Erwin Margarejo na simula kaninang umaga hanggang sa kasalukuyan wala silang naitalang untoward incidents.

Una rito pinaaalalahanan naman ng mga otoridad ang mga motorista na ang buong kahabaan ng Roxas Boulevard mula P. Burgos Street patungong Gil Puyat Avenue ay sarado sa mga sasakyan para bigyan ng daan ang aktibidad ng INC hanggang mamayang gabi.

Sa kabilang dako, mismong si Southern Police District (SPD) Director, CSupt. Tomas Apolinario ang personal na nago-oversee sa seguridad sa nasabing aktibidad.