-- Advertisements --
Nasa tinatayang 900,000 Pilipino ang nakaahon mula sa kahirapan base sa pinakabagong report mula sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Kung saan lumalabas na ang poverty incidence ay bumaba sa 22.4% sa unang kalahati ng taong 2023 mula sa 23.7% na naitala sa parehong period 2 taon ang nakakalipas.
Ayon sa ahensiya, ang 22.4% ay katumbas ng 25.24 million Pilipino habang ang 1.3 percentage point naman ay nangangahulugan na halos 900,000 Pilipino ang nakaalpas na mula sa kahirapan at nasa middle-class status na.
Una rito, target ng Marcos administration na maibaba pa ang poverty level sa ating bansa mula sa 18% na naitala noong 2019 sa 8% bago matapos ang termino ni PBBM sa 2028.