Bakunado na laban sa COVID-19 ang 91% na mga inmates sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Sinabi ni BJMP spokesperson, Chief Inspector Xavier Solda na nasa kabuuang 119,175 mula sa 129,289 na mga PDL ang nakatanggap na ng first dose.
Habang 6.5% naman sa mga ito ang naghihintay na lamang para sa kanilang second dose, at ang natitirang 4.81% naman o may katumbas na 6,215 na mga indibidwal ang hindi pa nababakunahan.
Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na rin aniya ang BJMP sa mga local government unit para maisama sa alokasyon ng mga bakuna ang kanilang mga preso.
Sa datos ay umabot na sa 5,019 ang kabuuang bilang ng naitalang mga inmates na tinamaan ng nasabing nakamamatay na sakit simula nang magsimula ang pandemya sa bansa kung saan 45 sa mga ito ang nasawi habang siyam pa ang nananatiling may aktibong kaso.