-- Advertisements --
Iniulat ni Health Secretary Francisco Duque III na hindi bababa sa 91 percent na probinsya at lungsod sa buong bansa ang nasa ilalim sa high risk sa COVID-19.
Sa nasabing mga lugar, 82 percent ang may mataas na health care utilization at intensive care utilization rates.
Base naman sa Department of Health’s (DOH) metrics, 70 percent naman sa COVID-19 hospital beds at ICU beds are occupied sa mga probinsya.
Nananatili naman na mataas ang COVID-19 fatality sa mga matatanda.
Napag-alaman na as of September 5, ang Pilipinas ay nakapagtala ng 4 million senior citizens na fully vaccinated habang 3.42 million ang nakatanggap ng unang dose ng COVID-19 vaccines.