-- Advertisements --

Umabot sa 91 katao ang naaresto matapos ang naganap na kaguluhan sa pagitan ng kapulisan at mga protesters sa Philadelphia.

Nagbunsod ang protesta matapos ang pamamaril ng kapulisan sa black American na armado ng kutsilyo.

Nasugatan din ang 30 kapulisan dahil sa nasabing insidente.

Ayon kay Philadelphia Police Commissioner Danielle Outlaw, mayroong mapayapang kilos protesta ng biglang lumitaw ang black American na armado ng kutsilyo.

Sa mga naaresto ay 11 dito ang kinasuhan na dahil sa pag-atake sa mga kapulisan habang ang 76 naman ay kinasuhan na ng pagnanakaw.

Maraming mga sasakyan ng kapulisan at ambulansya ang pinagsisira na rin ng mga protesters at ilang mga sasakyan ang pinagsusunog din ng mga protesters.

Base sa lumabas na video na pinagsabihan ng mga kapulisan ang lalaki na ibaba ang kaniyang dalang kutsilyo subalit ito ay nagmatigas kaya nila ito binaril na tinamaan sa dibdib at tiyan.

Dinala pa sa pagamutan ang biktima subalit hindi na ito umabot ng buhay.