-- Advertisements --

LA UNION – Nakilala na ang isang lola na namatay matapos malunod at nakitang palutang-lutang sa irigasyon sa Tallipugo, Balaoan, La Union.

Sa pamamagitan ng kanyang kamag-anak, nakilala ang biktima na si Nicolasa Morillo, 92-anyos, residente ng Barangay Luzong, Bangar, La Union.

Una rito, ipinaalam sa Balaoan Police Station ni Barangay Captain Ramon Ordinario ang nakita nilang bangkay ng babae na palutang-lutang sa irigasyon bandang alas 4:00 kahapon, July 22.

Sa pagresponde ng mga otoridad, dinala ang biktima sa Balaoan District Hospital ngunit idineklarang dead-on-arrival.

Napag-alaman na may sakit na Alzheimer’s disease ang biktima.