-- Advertisements --

Nakumpleto na ang nasa 92% o humigit-kumulang 62M na ang naiimprenta na mga balota ng Commission on Elections (COMELEC). Tinatayang kulang na lamang ng 6M ang pag-iimprenta at tuloy-tuloy na ito sa pagbeberipika.

Dagdag pa ni COMELEC Chairman Garcia, plano nilang mas iimprove pa nila ang kanilang verification process dahil dito sila mas natatagalan. Nasa 37M pa lamang ang nabeberipika ng komisyon. Kaugnay nito na plano nilang tanggalin ang ilang gamit sa National Printing Office (NPO) para mas mapalawak pa ang espasyo at mas dadagdagan ang mga tauhan at makina para maabot ang 1.2M na verified ballots kada araw. Aniya, kapag natapos na ang pag-imprenta, ang mga tauhan doon ay ililipat na sa verification area.

Matatandaan na binuksan na rin ang Amoranto Sports Complex para maging verification area ng poll body para matapos pa rin ang sinet nilang deadline.