Iniulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na hindi bababa sa 92 percent ng mga automated teller machines (ATMs) sa bansa ang na-recalibrate na mag-dispense ng P1,000 polymer banknotes.
Sa 17,304 na polymer-ready na automated teller machines (ATMs), 7,274 ay matatagpuan sa National Capital Region.
Inutusan ang mga bangko na i-recalibrate ang kanilang mga automated teller machines (ATMs) upang payagan ang pag-disbursement ng bagong bill.
Sa ngayon, 39 milyong piraso o 7.8 porsiyento ng kabuuang P1,000 polymer banknote ang na-i-release na sa publiko mula noong Nobyembre 2022.
Habang ang BSP ay nagpapatuloy sa phased issuance ng 1000-Piso polymer banknotes, ang central bank ay nagpapaalala sa publiko, retailer, at mga bangko na tanggapin ang mga nakatuping banknotes, papel man o polymer, dahil ang mga ito ay legal tender at maaaring gamitin para sa pang-araw-araw na payment transactions.
Kapag may pagdududa, sinabi ng BSP na maaaring tulungan ng mga bangko ang publiko sa authentication.
Sinabi ng BSP na ang polymer banknotes ay mas malinis at maaaring tumagal ng mas matagal kaysa sa mga paper bills.