Kinumpirma ng Department of Justice na nakamit nito ang 93 percent case conviction rate sa pamamagitan ng epektibong pangangalap ng ebidensya at prosecution.
Inilabas ng ahensya ng naturang briefing paper kasabay ng isinagawang kauna-unahang DOJ Town Hall meeting sa Dasmariñas Arena sa Dasmariñas City, Cavite.
Ayon sa ahensya, matapos ang isang taon na aktibong pakikilahok sa mga case build up, aabot sa 7,114 na mga mahihinang kaso ang hindi na naihain sa korte at nadismiss sa prosecutor level.
Nakatulong aniya umano ito para mabawasan ang sandamakmak na kaso sa mga korte sa bansa.
Sa 26,681 kaso na isinailalim sa preliminary investigation at inquest mula second quarter ng 2023 hanggang first quarter ng 2024, sinabi ng DOJ na 20,683 ang “terminated” habang 5,993 ang sumasailalim pa sa case build ups.
Ayon sa ahensya, ang DOJ ay mahigpit na nakikipag cooperate at nakikipag coordinate sa pagitan ng mga prosecutors at mga ahensyang nagpapatupad ng batas upang alisin ang mga mahihinang kaso at hindi na umabot pa sa korte.